November 11, 2018
Halos 8 ng gabi at tahimik na tahimik sa isang karaniwang maalinsangang gabi malapit sa komunidad ng baybayin ng Batangas City sa Pilipinas.
Hanggang nasira ang katahimikan ng huni at kalantog ng isang lumalapit na motorsiklo.
Ito ay Hunyo nitong nakalipas na tag-init at si Luzie Gammon ay nasa kusina ng bahay ng kanyang napanaginipang itinayo niya kasama ang kanyang asawa na si Barry Gammon, nang ang huni ay napalitan ng nakakatuhog at hindi mapag-aalinlangang tunog ng baril na pumuputok na paulit-ulit.
Tumakbo siya sa harap na balkonahe nang nakita ang kanyang asawa, 66, nagpupunyaging isara ang kanilang gate sa isang nanghihimasok.
"Patuloy kaming nagtutulak at patuloy siya bumabaril," sabi niya sa isang kamakailang interbyu sa The Fifth Estate.
At pagkatapos "bumagsak ang aking asawa." Tumigil si Gammon habang sinikap niyang pagsasaalaala ang mga detalye. At pagkatapos siya ay nagpatuloy.
“Ang kanyang mukha, ang kanyang dugo ay nasa sahig at … siya’y dumudugo. Sa oras na iyon ito ay parang, ito ay hindi totoo, ano ang nangyayari? Ako ay kumikilos at gumagawa nguni’t hindi ito nagrerehistro sa aking isip. Totoo ba ito?”
Biglang bumalik siya sa katotohanan nang natanto niya na ang kanilang pitong taong gulang na anak, si JJ, ay nakatayo sa likod niya, lubos na walang galaw.
"Dinaklot ko ang aking anak at itinulak siya ... sa loob ng bahay," patuloy niya.
"Dito ka lang at kukuha ako ng tulong, '" naalala ang kaniyang sinabi kay JJ. "Nguni’t hindi niya gusto ... ito ay talagang ... nakakasakit ng damdamin. Sinabi niya sa akin, 'Kailangan natin tulungan ang tatay.' "
Sinabi niya sa kanya na maghintay.
"'Hindi, Mommy. Sasama ako sa iyo," sabi niya. "Tayong lahat ay magkasabay na mamatay."
Namatay si Barry Gammon noong Hunyo 24 ng gabi sa Pilipinas. Nakaligtas si Luzie at JJ. Limang linggo matapos ang nakakasawing pagbaril, umalis sila ng Pilipinas papuntang Canada.
Habang siya ay lumuluhang sariwaing sa alaala ang mga pangyayari noong gabing iyon sa The Fifth Estate, lumapit si JJ at inilagay ang kanyang ulo sa kanyang dibdib. Sila ay nagyakapan.
“Siya ay talagang malakas, talagang malakas para sa akin,” ang sabi niya.
Sila ay ligtas sa Vancouver ngayon. Subali't, ang ipinakita ng isang pagsisiyasat ng Fifth Estate, ang kanilang mga buhay ay tuluyang nasira malamang dahil sa isang bagay na walang kabuluhan gaya ng isang alitan ng ari-arian sa kanilang mga kapitbahay. Nguni't noong panahong iyon, wala silang ideya kung gaano agresibo at mapanganib ang mga kapitbahay na iyon.
Ang kanilang mga kapitbahay ay mga miyembro ng isang malakas at mayamang simbahan, na may milyun-milyong tagasunod sa buong mundo, kabilang ang Canada, na kinikilala na Iglesia Ni Cristo.
II.
Ang punong-tanggapan ng INC, na kinikilala, ay nasa isang maringal parang kastilyo na templo sa Metro Manila. Ang matayog na luntiang taluktok nito ay tumatagos sa kalangitan sa pinaka-populasyong lunsod ng Pilipinas.
Ang Tagalog para sa Church of Christ, ang Iglesia Ni Cristo, ay mahigit sa 100 taong gulang. Ito ay mayroong halos 7,000 mga kongregasyon sa buong mundo, kabilang ang higit sa 80 sa Canada, mula sa maliliit na bayan tulad ng Durham, Ont., at Abbotsford, B.C., sa pinakakaunting isa sa halos bawa't pangunahing sentro ng Canada.
Libu-libong mga Canadiano ang dumadalo sa mga simbahang iyon, sumasamba at nakikibahagi sa mga kawanggawang kapakanan.
Noong 2009, si Eduardo Manalo, ang apo ng tagapagtatag ng INC at tinutukoy bilang ehekutibong ministro, ay naging tagapamahala ng INC.
Ang imbestigasyon ng Fifth Estate ay nagpapakita ng pagbabago ng simbahan sa ilalim ng pamumuno ni Manalo.
Nirepaso namin ang daan-daang pahina ng mga dokumento ng korte, mga ulat ng pulisya at mga artikulo ng media at nakipag-usap sa mga dose-dosenang dating mga miyembro ng simbahan pati na rin ang mga pinagkukunan ng pulisya, legal at pampinansyal na mga eksperto at mga lokal na journalist. Ang imbestigasyon ay nagpapakita ng isang tularan, na ang mga miyembro ng simbahan sa Pilipinas ay nagiging mas agresibo, mapanganib, nasusuhulan at handang magkidnap at kahit patayin ang sinuman na nakahadlang sa kanilang paraan.
Isinasaalang-alang din ng imbestigasyon ang tanong: Kilala ba ng mga Canadiano na dumadalo o sumusuporta sa INC ang kanilang simbahan at kung ano ang maaaring mangyari kapag pinili ng mga tao na magsalita?
Ang mga miyembro ng INC sa Regina ay pinawalang-saysay ang pintas sa simbahan noong 2016, sa isang video na nakapaskil sa online ng simbahan.
"Tuwing nagsasalita ang mga tao ng mga masamang bagay o sumubok na magsalita ng masama tungkol sa aming pangangasiwa ng simbahan ... ito ay tiyak na ang gawain ng kaaway," sabi ng isang miyembro.
"Mula sa umpisa, ang Diyos ay nagpalakas sa aking pananampalataya," ang sabi ng isa pa. "Kaya hindi ko na lang pinahihintulutang makinig sa mga taong iyon [na pumipintas sa simbahan]."
Sa isang liham mula sa mga abugado na kumikilos para sa simbahan, pinagkaila nito ang mga natuklasan ng imbestigasyon ng The Fifth Estate at tumangging magbigay ng tiyak na impormasyon, sinasabing nangangailangan ito ng higit pang mga detalye.
Gayunpaman, kamakailan ang INC ay nakatawag-pansin sa Immigration and Refugee Board ng Canada.
Tatlong dating miyembro ng simbahan na tumakas sa Pilipinas sa Canada, ay nagsasabi na ang kanilang buhay ay nasa panganib mula sa simbahan.
Sa tatlong hiwalay na desisyon sa 2017 at 2018, tinanggap ng lupon ang testimonyo ng lahat ng tatlong dating miyembro at binigyan sila ng katayuan ng refugee (takas).
Ayon sa isang desisyon, ang buhay ng naghahabol ay nasa panganib mula sa isang simbahan na may parehong "paraan at pagganyak" upang pumatay.
Sa isa pang desisyon, ang lupon ay nagpasiya na ang pulisya sa Pilipinas ay handang protektahan ang INC, nagpapahiwatig pa man ng iba't ibang mga paraan na maaaring patayin ang mga kritiko ng simbahan.
"May iba't ibang mga senaryo kung saan maaaring mapatay ang [naghahabol]," isinulat ng lupon sa isang desisyon noong Marso ng nakaraang taon, "mula sa mga itinanghal na sagupaan ng pulis sa pagkamatay sa billanguan sa kontrata pagpatay sa isang bansa kung saan ang mga nagpapatay ay marami at mura."
Ang mga desisyon ay patuloy na nagsasabi na ang mga utos ng simbahan ay may kapangyarihan sa Pilipinas, sa bahaging dahil ang mga miyembro nito ay bumoto bilang isang bloke, na nagbibigay ng impluwensya kung sino ang ihalal.
Ang pinuno nito, si Manalo, na hinirang kamakailan ng isang espesyal na sugo para sa mga pag-aalala sa ibang bansa ng Pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte at makikita sa mga ulat ng balita na nakikipagkamay sa pangulo.
Ang INC ay isang simbahan na "tulad ng kulto", isinulat ng Immigration and Refugee Board ng Canada, na binabanggit ang isang ikatlong naghahabol na nagsabi na ang INC ay “hindi maaaring mahawakan ng gobyerno ng Pilipinas, hudikatura ng tagapagpatupad ng batas o maging ang pangulo mismo.”
III.
Si Lowell Menorca ay nagaalsa ng mga kahon na nakasalansang mataas na may mga isang araw na lumang mga cake at tinapay mula sa pagkargang pantalan ng isang mamahaling groseri sa kanyang may tapas na puting minivan. Sinara niya ng malakas ang baul ng awto at nagmaneho sa mga okupadong mga kalye ng Burnaby, B.C.
Tumakas si Menorca sa Canada nang mahigit ng dalawang taong nakalipas mula sa Pilipinas at ipinagtanggol ang kanyang kaso sa harap ng refugee board (lupon ng para sa mga takas) ng Canada. Pinupunan niya ngayon ang kanyang mga araw sa paghahatid ng donasyon na pagkain sa mga kublihan at mga sentro ng mga takas sa paligid ng Lower Mainland ng B.C.
Ang kanyang tatay ay isang nakatataas na miyembro ng pamumuno ng simbahan. Si Menorca mismo ay lumaki sa looban ng simbahan sa Maynila at naging isang ministro.
Nguni't nang si Eduardo Manalo ay pinuno, sinabi ni Menorca na napansin niya ang isang matinding pagbabago.
"Nakita namin kung paano ang ehekutibong ministro, ang kanyang pamilya at pati ang mga ministrong konseho ng simbahan ay itinaas ang kanilang sarili sa isang labis na labis na pamumuhay," sabi niya.
"Kapag nagsimula ka sa paglilibut bilang isang ministro, na may mga luhong sasakyan ... at may [magagamit ng isang] Airbus, para lamang pumunta mula sa isang lugar papunta sa isa pa," ang hinalang niya, ito ay isang problema dahil pinopondohan ito ng mga donasyon ng simbahan.
Pagkatapos, sa 2015, mayroon isang tao na anonimong nagsimulang magbunyag nang mga lihim sa pananalapi ng simbahan sa isang popular na online na blog. Inilantad nito ang mga alegasyon na nakapagdududang paggastos at sa kinamamayan ay nagbunyag ng mga dokumento na nagpapakita na ang simbahan ay labis sa utang.
Sinabi ni Menorca na desparadong gustong malaman ng simbahan kung sino ang nagbunyag, at mga ministro ng INC na pinaghihinalaang naglabas ng kumpidensyal na impormasyon ay simulang nawawala sa panahong iyon. At pagkatapos ay dumating ang mga miyembro ng simbahan para sa kanya.
"Kinapkapan nila ako, pinosasan ako at inilagay ang jacket sa aking ulo upang hindi ko sila makilala, kinladkad ako sa looban," sabi ni Menorca.
Noong Hulyo 2015, kasing-dami ng 10 opisyal na pulis na nagpoprotekta ng simbahan ay kinuha siya na may nakatutok na baril, sinabi niya.
Noong panahong iyon, siya ay isang ministro na naka destino sa isang simbahan na nasa isang panlalawigang lugar ng Pilipinas, na nasa timog-silangan ng Maynila.
"Kinaladkad nila ako sa malaking ambulansya, nguni't nang nakarating kami sa loob ng ambulansya, ito ay talagang walang laman. At ang nakikita mo lamang ay isang lamesa, isang mesa, na may mga kamera ng pagmamanman. At saka may isang upuan. Ako ay pinosas sa upuan at pagkatapos ay umalis kami."
Sinabi ni Menorca na ang mga nabunyag ay tinamaan ang simbahan kung saan pinakamalakas na masakit. Siya ay naniniwala na ang mga donasyon ay nanghihina.
"Kailangan na may gawin sila at handa silang pumatay dahil dito."
Pagkatapos ng 17 oras ng interogasyon, madalas na may nakatutok na baril, ipinilit ni Menorca na wala siyang maaalok. Pagkatapos, sinabi niya, nagpasiya ang mga interogador ng simbahan na tapos na sila sa kanya.
Pinosas siya sa loob ng isang maliit, dilipidadong kotse na nakaparada sa kabukiran, at pagkatapos, sinabi niya, nagitsa ng isang bagay sa likod na upuan at tumakbo.
"Nakakuha ako ng isang sulyap nito, at nang tumakbo ang [mga nagkidnap sa kaniya], kaagad kong nalaman na ito ay isang granada," sabi ni Menorca.
"Nang nakita ko ito, [naisip ko] ito na iyon. Ito ang katapusan ko. Ang tanging bagay na maaari kong gawin ay iyuko aking ulo at magdasal para sa aking asawa at anak. Ito na iyon. Nguni't pagkatapos natanto ko nang matapos ko ang aking pagdasal hanggang sa 'Amen,' na medyo mahaba para sa isang granada. "
Ang granada ay hindi pumutok at buhay si Menorca upang isalaysay ang kuwento.
Sa katapusan siya at ang kanyang pamilya ay nakatakas sa isang kalapit na bansa, kung saan sila ay nagtatago. Noong 2017, si Menorca ay nakakuha ng katayuan ng refugee sa Canada. Mula noon, nagtatrabaho siya upang ilantad ang mga problema sa simbahan.
Ang mga abugado ng INC ay tinanggihan ang kuwento ni Menorca at sinasabing pinipintasan niya ang simbahan bilang bahagi ng kanyang paghahanap ng permanenteng katayuan sa paninirahan sa Canada. Itinuturo din ng simbahan ang mga seryeng mga habla ng kasong libel na inilunsad laban sa kanya ng mga miyembro ng simbahan habang siya ay nanirahan pa rin sa Pilipinas. Sinasabi nila na hindi siya mapagkakatiwalaan na magsabi ng katotohanan.
Ang mga demanda ay umaangkin na si Menorca ay nag-aalipusta sa simbahan sa Pilipinas sa kanyang kuwento.
IV.
Kung tungkol sa mga bagong kapitbahay, nang nagsimula ang INC magtayo ng isang simbahan sa tabi ng bahay ni Barry Gammon sa mga burol sa timog-kanluran ng Maynila nakaraang dalawang taon, siya at ang kanyang asawa na si Luzie ay nag-isip: Gaano maaaring maging mahirap ito?
Pagkatapos ay nakilala nila ang mga miyembro ng simbahan at ang kanilang mga tauhan ng konstruksiyon.
"Ang mga ito ay parang mayabang," sabi ni Luzie. "Mayroong sila kayabangan na magagawa nila ang lahat ng gusto nila. Wala silang pakialam kung iniistorbo nila kami."
Ang mga problema ay nagsimula mula sa unang araw, sabi niya, sa ingay ng konstruksiyon hanggang gabihin. Ang mga sasakyan ay parating at paalis sa lahat ng oras, mga headlight ay nagniningning sa kanilang mga bintana at ginigising sila. Ang mga sasakyan ng konstruksyon ay iniwan ang kanilang kalsada na may uka at sira.
Sa sandali na ang simbahan ay itinayo, ang mga problema ay patuloy sa mga sasakyan at mga taong dumarating nang maagang-maaga at gabihin umalis para sa mga serbisyo ng simbahan.
Pagkatapos isang araw, sa Disyembre 2016, isang grupo ng mga miyembro ng simbahan ay pumarada sa kanilang daanan ng sasakyan, hinaharang ang kanilang bahay. Napuno na si Barry Gammon.
"Ikaw ay nasa aking f-king propyedad," siya ay naririnig na nagsasabi, ang sagupaan ay nakuha sa video gamit ang kanyang cellphone.
Ang miyembro ng simbahan na kanyang hinarap ay, kinalabasan, isang lokal na abugado.
"Alam niya ang batas at ang aking asawa ay isang dayuhan lamang at hindi siya kaanib sa Pilipinas," sabi ni Luzie. "Iyon ang kanyang eksaktong mga salita at idedeporta niya ang aking asawa ... siya ay may maraming mga koneksyon sa imigrasyon."
"Ikaw ay isang asshole din," naririnig ang sinasabi ng abogado. "Hindi tayo tapos. Makikita kita sa korte."
Di-nagtagal pagkatapos nito, noong 2016, inilunsad ng abugado ang isang reklamong imigrasyon sa Bureau of Immigration ng Pilipinas sa isang pagtatangka na ideporta si Gammon.
"Ako ay nasa aking sariling tahanan iniintindi ang aking sariling buhay at hindi naghahanap ng gulo," sumulat si Barry Gammon sa isang pananggol na sulat sa Bureau of Immigration. "Itong grupong simbahan ay may maraming mga tagapagtaguyod at walang gustong tumayo at lumaban sa kanila."
"Sinabi ng [abugado] na ako ay isang estupidong Amerikano at hindi nais ng Pilipinas."
Pagkaraan ng tatlong buwan, ang kaso ay napawalang-saysay dahil sa "kawalan ng katotohanan."
Nguni't ang mga paghaharap ay hindi huminto doon. Sila ay nagpatuloy ng ilang buwan, na kinasasangkutan ang iba pang mga miyembro ng simbahan. At sa wakas, isa pang pinainit na palitan sa gabihing ingay.
"Ang huling oras na iyon ay talagang pinakamalala," sabi ni Luzie Gammon. "Totoong galit na galit sila sa oras na iyon. Sinabi nila: 'Hindi pa kami tapos.' "
Pagkalipas ng dalawang araw, dalawang lalaki na naka-motorsiklo ang dumating at pinatay si Barry Gammon.
Iyon ay noong Hunyo ng taong ito. Noong Agosto, si Luzie at ang kanyang anak si JJ ay humantong sa Vancouver. Pagulong ang mga maleta na nakasalansan ng mataas sa mga kariton sa mga pintuang pagdating ng internasyonal na paliparan na mukhang pagod, nalulumbay at napuspos. Naroroon si Lowell Menorca upang salubungin sila.
Tinutulungan niya si Luzie Gammon hanapin ang kaniyang pamumuhay sa Vancouver, tumutulong sa pagbibigay ng pansamantalang tirahan at emosyonal na suporta.
"Ligtas ka na ngayon," sabi ni Menorca, nakahilig upang yakapin ang pitong taong gulang na si JJ sa paliparan. "Kasama mo si Mommy at ilang mga kaibigan. Naandito ka sa Canada." Sa kabila ng mga demanda, ipinagkaloob ng IRB ang katayuang refugee kay Menorca noong 2018, sa isa pang dating miyembro noong 2017 at ina ni Menorca noong nakaraang tag-init. Lahat sila ay naninirahan sa Canada ngayon.
Ang iba naman ay hindi masuwerte, tulad ng taong ipinanganak sa Montreal na nakatira sa Pilipinas, si Barry Gammon.
V.
Agosto 2018 at pagkatapos ng mga buwan ng pag-imbestiga sa INC, isang pangkat ng The Fifth Estate ay pumunta sa hilagang California, sumusunod sa isang tip. Ang isang nakatataas na tagaloob ng simbahan ay mukhang gustong makipanayam. Bago siya umalis ng simbahan, pinamunuan niya ang isa sa pinakamalaking kongregasyon ng INC sa labas ng Pilipinas.
Siya ay sumang-ayon, sa pamamagitan ng isang tagapamagitan, upang makipagkita sa tahanan ng isang kaibigan, isang simpleng bahay sa labas ng bayan sa isang nakahilatang magkakapitbahay ng California. Nais niya na ang lokasyon ng kanyang pamilya ay manatiling isang lihim.
Siya ay nag-aatubili at natatakot, nguni't sa kahulian, sumang-ayon si Rolando Dizon na makipanayam.
"Ang pag-ibig ay pinalitan ng takot," ang sabi niya, tumutukoy sa simbahan.
Matangkad, mahusay magsalita at sumasamo, si Dizon ay gumawa ng agarang impresyon. At kapag siya ay nagsimula, hindi siya nanunumbalik.
"Dapat tayo ay maging lubos na masunurin na walang anumang mga katanungan," sabi niya. "Lubos na masunurin sa lahat ng mga utos ng [pinuno ng INC] Kapatid na si Eduardo V. Manalo dahil sa pag-iiba, ang iyong sariling kaligtasan ay mapanganib."
Di-nagtagal matapos naging pinuno ng INC si Manalo ng isang dekada na nakalilipas, bilang isang bantog na ministro sa U.S., si Dizon ay may isang hanay na upuan sa mga pagbabago na dinala ni Manalo sa simbahan.
"Pagdating kay Eduardo at ang kanyang pangkat, ang lahat ay 'first class,'" sabi niya.
"Hindi lang ang Airbus, kundi ang pamumuhay. Ang mga bahay, ang mga mansyon, ang mga palanguyan, maraming lugar kung saan siya naninirahan sa ... Ang mga bagay na maaari nilang bilhin sa isang kapritso, ito ay nakamamangha. Saan nanggaling iyon? Mayroon lamang isang pinagkukunan, iyan ang alay mula sa mga kapatid."
At pagkatapos ay napansin ni Dizon ang mga kataka-takang nangyayari sa pera na ipinagkaloob ng mga miyembro ng simbahan kapag dumating si Manalo sa bayan.
"Ipaghihiwalay nila ang ilang mga pera, isang kalakihang halaga na pera, at babalutan nang magkasama at may mga kolektor na dumadating sa isang partikular na araw upang kunin ang supot na pera, ang supot na pera, at ililipat nila iyon sa pangunahing tanggapan sa U.S.," sabi niya.
"Nakita ko ito ng aking sariling mga mata. Ang eksaktong ginagawa nila sa pera, wala tayong ideya. Hindi kami maaaring magtanong tungkol dito."
Ang mga kongregasyon sa Estados Unidos at Canada ay nagbibigay ng maraming donasyon para sa simbahan, sinabi ni Dizon, para sa simpleng dahilan na ang mga taong naninirahan sa Kanluran ay kadalasang mayroong mas maraming perang ipagkakaloob. Tinatawag ni Dizon ang rehiyong ito na "cash cow (bangko)" ng INC.
Sinabi niya na ang kanyang kongregasyon, isa sa daan-daan sa U.S., ay maaaring magbigay ng hanggang $1 milyon sa isang taon.
Nguni't mayroong mga batas tungkol sa paglipat ng pera sa mga internasyonal na hangganan. Halimbawa, kung ikaw ay naglalakbay na may higit sa $10,000 na pera, dapat mong ideklara ito. At may mga mahigpit na panuntunan sa Canada at Estados Unidos tungkol sa paglipat ng mga kawanggawang donasyon sa labas ng bansa.
"Maaari mong iugnay ang mga tuldok kapag isinasaalang-alang mo ang katotohanan na ang mga kongregasyon ay naghahanda ng pera sa panahon ng kanyang pagdating sa isang Airbus," sabi ni Dizon, na naniniwala na ang eroplano ay maaaring ginagamit upang ipadala nang ilegal ang pera pabalik sa Pilipinas.
Sa isang sulat, ang mga abogado ng INC ay nagsasabi na ang paghihiwalay ng mga perang donasyon ay "hindi isang hindi pangkaraniwang pagsasanay sa pananalapi." Ang The Fifth Estate ay wala din nakitang katibayan na ang INC ay naglipat nang ilegal ang anumang mga donasyon sa mga internasyonal na hangganan, nguni't nalaman na ang Homeland Security sa Estados Unidos ay nagsagawa ng ilang mga panayam sa mga pinalayas na mga miyembro ng simbahan, na nagtatanong tungkol sa paggalaw ng pera sa U.S. at Canada.
Sa isang email, isinulat ng Homeland Security na "hindi ito nagpapatunay o tumatanggi ang patuloy na mga pagsisiyasat," nguni't ang The Fifth Estate ay independyenteng nagpatunay na ang isang nakatataas na miyembro ng simbahan ng INC ay hinuli sa paliparan sa Seattle nagsisinungaling tungkol sa halaga ng pera na dala niya.
Si Matt Pareja, isang miyembro ng nakatataas na conseho ng simbahan, ay pinigil ng 2015 diumano’y sumusubok na ipuslit ang pera mula sa Estados Unidos. Tatlong taon na ang lumipas, ang katayuan ng kanyang kaso ay hindi malinaw.
Sinabi ni Dizon na alam niya at marami siyang nakita. Siya ay nag-aalala na siya o ang kanyang pamilya ay magbabayad ng isang kabayaran dahil sa kanyang desisyon na magsalita.
"Sila ay handang pumatay para sa [pinuno ng simbahan]," sabi niya. "At maaari nilang gawin ang ganitong uri ng pag-iisip, ang ganitong uri ng diskarte, ang agresibong diskarte sa labas ng Pilipinas, kaya iyan ang dahilan kung bakit ako ay talagang, talagang nag-aalala tungkol sa aking buhay at buhay ng aking pamilya."
VI.
Ang mga litrato ng autopsiya at mga ulat ng pulis na naglalarawan ng karahasan na konektado sa mga miyembro ng INC sa Pilipinas, na nakuha ng The Fifth Estate, ay naglarawan ng isang nakapangingilabot na larawan. Maramihang mga putok ng baril sa ulo at katawan ng isang tao, isa pang pagbaril ng mga mata at isang kotse pinagbutas-butas ng bala.
Ayon sa mga ulat ng media, mga ulat ng pulisya at mga interbyu ng The Fifth Estate, si Jose Fruto ay isa sa tatlong pinatalsik na miyembro ng INC na pinatay sa Pilipinas. Dalawa ang napatay noong 2017. Ang ikatlo ay nawala sa taong ding iyon at pinaniniwalaang patay.
Si Fruto ay lubusang walang pigil sa pagsasalita laban sa simbahan, nag-alok din ng isang suportang sulat sa paglilitis ni Lowell Menorca ng Canadian refugee board.
"Ang bawa't panatiko na miyembro ng simbahan ay handang mamatay para sa simbahan, samakatuwid handa din silang magsinungaling at pumatay para sa simbahan," sinulat niya noong Nobyembre 2016.
"Mangyaring aprobahan ang [Menorca's] petisyon para sa pagpapakupkop sa inyong bansa. Ang kanyang pagbabalik dito sa Pilipinas ay isang pagnanais ng kamatayan."
Pagkalipas ng pitong buwan, binomba ng mga bala ang kotse ni Fruto ng isang pulis habang mabagal siya ay patungo sa isang interseksyon sa timog ng Manila. Siya ay namatay kaagad.
Sa lahat ng tatlong mga pagpatay, ang The Fifth Estate ay walang nakitang ebidensiya na ang pamumuno ng INC ay may kinalaman sa kanila.
Nguni't sa bawa’t panahon, ang mga lumalaban sa mga miyembro ng simbahan ay natatagpuan na ang kanilang sarili ay naka-target, kabilang si Barry Gammon.
Ang CBC ay nakakuha ng isang ulat sa kaso ni Gammon mula sa Philippine National Police at ito rin ay tumuturo sa mga miyembro ng INC.
Pamagatang "Progress Report (Ulat ng Pag-unlad)" at naka-petsang Hunyo 26, 2018, sinabi nito na si Barry Gammon at ang kanyang asawa na si Luzie ay nagkaroong maraming "pagtatalo sa ilang mga miyembro ng malapit na kapilya (INC)."
Ang ulat ay patuloy na sinasabi dahil may "isang matagal na samaang loob sa pagitan ng mag-asawa at ilang mga taong nagsisimba ... maaaring mayroong naaangkop na posibilidad [na] sinuman ay labis pagalitin ng biktima at [maaaring] ipinabaril ang biktima sa kamatayan."
VII.
Ang araw ng taglagas ay halos hindi sumisilip sa himpapawid ng Toronto at daan-daang mga miyembro ng INC ang naka-linya sa labas ng isang malaking puting estukong gusali na matatagpuan sa mga arabal na tahanan sa kanlurang bahagi ng lungsod. Ang taluktok na estilo na tatak ng INC ay nagsisilbing bantay sa magkabilang panig ng pangunahing istraktura.
Septiyembre 22 at ang pinuno ng INC mismo, si Eduardo Manalo, ay nakatakdang nasa Toronto sa isang paglalakbay mula sa Pilipinas. Siya ay lumalakbay sa North America upang pagdiriwa ang 50-taong presensya ng simbahan sa Kanluran.
Sa loob ng ilang minuto nang pagdating, ang pangkat ng The Fifth Estate ay nakilala at walang alinlangang hindi malugod na tinatanggap.
Ang mga guwardyang seguridad ay nagliliwanag ng mga plaslayt sa mga lente ng kamera. Ang iba pang mga miyembro ay nagtataas ng mga malalaking karatulang vinyl sa itaas ng kanilang mga ulo upang ihadlang ang tanawin at pinagtutulakan ang pangkat ng The Fifth Estate.
Sa kahulihan, walang pagkakataong itanong si Manalo ng mga katanungan na mula sa imbestigasyon ng The Fifth Estate. Ang isang puting SUV na pinaniniwalaang dinadala ang pinuno ng INC ay mabilis tumakbo sa likod na eskinita ng simbahan at mabilis na hinarangan ng seguridad ng simbahan.
"Ito ay isang pagsambang serbisyo. Iyon ang dahilan kung bakit ayaw namin na naandito kayo," sabi ni Don Orozco, isang miyembro ng INC.
"Tulad ng ginawa ko sa Sacramento," sabi niya. "Ako ay sasama sa inyo buong araw."
Si Orozco ay nasa hilagang California ng ilang mga unang linggo nang dumalo ang The Fifth Estate sa isa pang pagbisita ni Manalo.
Naka-iskedyul ang pinuno ng INC na magsalita sa basketbol istadyum sa bayanan ng Sacramento. Libu-libong mga tao ang dumalo sa serbisyo.
Sa sandaling lumabas ang pangkat ng The Fifth Estate mula sa mga elebeytor sa isang otel sa Sacramento, sinundan ng mga miyembro ng simbahan at kinunan ang aming mga pagkilos.
Malinaw na ang INC ay binigyan ng babala na ang CBC ay nasa sambayanan.
Habang ang pangkat ng The Fifth Estate ay nagmaneho sa kaganapan, dalawang sasakyan ang nasa likod. Sa katapusan, tumigil kami at hinarap sila. Binati kami ng isang nakangiti at masiglang Pilipino. Ito ay si Orozco.
"Nagsisigurado lang ako na ikaw ay maayos," sabi niya nang harapin siya ng punong-abala ng Fifth Estate na si Bob McKeown. "Narito ako upang gabayan ka, hindi upang pigilan ka."
Sa simula inilarawan niya ang kanyang sarili bilang isang journalist para sa isang pahayagang Pilipino na nakahimpilan sa U.S. Bagama't gayunpaman, inamin niya na siya rin ay isang miyembro ng INC.
Siya ay itinanong tungkol sa mga alegasyon na ang simbahan ay ilegal na naglilipat ng pera sa mga hangganan upang pondohan ang labis na pamumuhay ng pamumuno.
"Alam mo, sa mga pahayag ng pagsagap ng pera, [ito] ay isang bagay na hindi mo maaaring itanong pagdating sa aming pag-aalay," sabi niya.
"Ito ay isang bagay na banal sa amin. At ako ay lubos napapahiya na iniisip mo na ang pamahalaan ng simbahan ay nagtatangkang gumawa ng isang bagay, na magsagap ang aming pag-aalay. "
"Sa kasamaang palad ang tanging bagay na maaari kong sabihin ay ang lahat ng ito ay walang kasaysayan," sabi ni Orozco.
Tungkol sa pagpatay sa Canadian na si Barry Gammon at ang pagsalaysay kung ano ang nangyari sa gabing iyon ni Luzie Gammon, itinatanggi ni Orozco na ang simbahan ay may kinalaman sa kamatayan.
"Ito ang kanyang salita laban sa aming salita," sabi niya. "Kaya hindi ako makakapagsalita tungkol doon."
Sa isang sulat sa The Fifth Estate, ang mga abogado na kumikilos para sa simbahan ay tinatawag na ang lahat ng mga alegasyon na "nakahihiya, mapangahas at hindi totoo."
“Sinasabi ko sa iyo, nakatuon ka sa simbahan na nakikita mo kami sa masamang pagtingin," sabi ni Orozco. "Bakit hindi mo nakikita ang mas mahusay na pagtingin ng simbahan?"
Ito ay totoo - ang simbahan ay gumagawa ng makataong gawain sa buong mundo. Ang INC ay may mga proyekto sa Pilipinas, Brazil, Australia, U.S., Africa at Canada.
Ilang linggo lamang ang nakalilipas, ang INC ay nag-organisa ng isang Kaganapan para sa Tulong sa Sangkatauhan sa Dulong Hilaga ng Winnipeg. Ayon sa isang pahayag ng media, ipinagkaloob nito ng higit sa 3,000 paketeng pangangalaga at nagsilbi ng mainit na pagkain sa mga lokal na residente.
Kamakailan lamang, ang mga premier at alkalde sa buong Canada ay sumulat upang purihin ang simbahan at batiin ang INC para sa kanilang anibersaryo dito sa Canada. Kahit ang Punong Ministro Justin Trudeau ay nagbigay ng sulat.
"Sa loob ng 45 taon, pinagsama ng Iglesia Ni Cristo ang mga Canadiano na nakatuon sa pagtataguyod ng mga Kristiyanong ideya ng pananampalataya at paglilingkod," isinulat ni Trudeau.
"Sa ngalan ng Pamahalaan ng Canada, inaalok ko ang aking pinakamainam na pagbati para sa isang hindi malilimot na pagdiriwa."
Gayunpaman, ang isang katanungan ay nananatili: Ang alinman sa mga pulitiko ng Canada na sumulat ng mga sulat ng suporta o mga organisasyon ng Canada na kasosyo sa INC ay nakakaalam sa mga alegasyong karahasan at korapsyon sa Pilipinas?
Sa huli ang Pangkat ng The Fifth Estate ay naghiwalay kay Orozco sa Sacramento at pumunta sa kaganapan. Ang dalawang sasakyan ay malapit sa likod.
At pagkatapos ay natagpuan namin ang pinto kung saan kami ay naniwala na si Manalo ay lalabas ng istadyum pagkatapos ng kanyang sermon. Sa wakas, isang pagkakataon upang tanungin ang taong namumuno sa organisasyong ito.
Habang naghihintay ang pangkat ng The Fifth Estate, isang grupong mga seryosong lalaki na may mga walkie-talkie at earpiece ay bumuo ng isang sirkulo sa paligid ng pinto.
Makalipas ang ilang minuto, dumating ang isang seguridad na guwardya ng pasilidad at sinabi na kailangang kami ay umalis o tatawagan niya ang pulisya. Sumunod kami at bumalik sa aming sasakyan.
Iyon ay ang aming huling sorpresa. Tatlo sa aming mga gulong ay nilaslas. Ang markang kutsilyo na 2.5 sentimetrong haba ay ginalos ang bawa't isa sa mga durog na gulong.
Makalipas ang ilang minuto, lumabas ang miyembro ng INC na si Don Orozco sa garahe ng paradahan.
"Wala akong ideya," ang sabi niya, inaalog ang kanyang ulo. "Ito ay nangyayari."
VIII.
Sa Vancouver, si Luzie Gammon at ang kanyang anak na si JJ ay nagsisiksikan sa paligid ng iPad kasama si Lowell Menorca. Pinagdadausdos niya ang mga larawan ng mga seguridad na miyembro ng INC sa buong screen, paisa-isa, upang makita kung ang isang mukha ay matatandaan ng memorya.
Pagkatapos ay pinahinto siya ni Gammon.
"Ako ay 100 porsiyento sigurado na siya," sabi niya, itinuturo isa sa mga lalaki. "Alam ko na ito siya. At nararamdaman ko sa puso ko ito siya. "
“Ako din,” sabi JJ.
“Ikaw din?” itinanong ni Menorca, tinitingnan si JJ. "Sigurado ka ba na siya? Nakita mo siya?"
Tumungo ang ulo ni JJ at sila ay tumitig ng tahimik sa larawan ng tao na naniniwala nila na pumatay sa kanilang asawa at ama.
Mula nakilala ang taong pinaniniwalaan nila ay ang pumatay, si Gammon ay nakipag-ugnayan sa Global Affairs Canada. Inutusan nila na siya ay makipag-ugnayan sa Vancouver Police.
Sinabi sa kanya na ang Canadian police ay maaaring isangkot ang Interpol sa kanyang kaso. Hindi siya nagtitiwala sa lokal na pulisya sa Pilipinas.
Nais ni Gammon na ang bumaril ay mabilanggo na may pag-asang makilala niya ang sinumang nag-utos sa kanya na pumatay. Gusto niyang managot ang INC kung napatunayan na sila ay kasangkot.
"Gusto ko silang maparusahan sa ginawa nila sa aking asawa," sabi niya. "Ipinangako ko ang katawan ng aking asawa na gagawin ko ang anumang bagay upang bigyan siya ng katarungan."
Mga file mula kay Eric Rankin